by Dustin Celestino
Approx. reading time:
Patay na ba ang Philippine cinema? Lagi kong nakikita ‘yang tanong na ‘yan sa social media these days. Madalas ang mga gan’yang post may kasama pang depressing photos ng mga sinehang walang laman.
Parang effective click-bait naman talaga siya; isang tanong na siguradong maraming engagement mula sa underpaid filmmakers na laging pagod, walang oras para sa sarili, pero wala rin namang ipon.
It is a struggling industry; lalo na ngayon, siguro, ‘no? Hindi lang piracy ang kalaban ng sinehan ngayon. Nandiyan na rin ang malalaking VOD o video-on-demand platforms. Nandiyan din ang social media platforms na may sariling content creators, influencers, and celebrities.
So, ano nga ba ang dapat isipin ng isang filmmaker pag naimbitahan siyang mag-pitch? ‘Yan ang naging inspirasyon para sa article na ‘to. Habang iniisip ko kung anong materyal ba ang dapat i-pitch sa mga production companies na nag-iimbita, may ilang tanong akong pinag-isipan.
QUESTION #1: SINO ANG AUDIENCE NG P400 LOCAL FILM?
Hindi ko alam kung ano “class” ko, pero namamahalan ako sa P400. Kung hindi ko kakilala o kaibigan ang gumawa, mga 80% chance na hindi ako manonood. Not because “local films are bad,” but simply because P400 is expensive for me.
Would I watch more films at P200? Yes. Supply and demand are basic economic principles. Pag mababa ang demand, babaan mo ang presyo. Kung konti lang ang audience na nakaka-afford ng sinehan, dapat siguro magbaba ang sinehan ng presyo, di ba?
I’m sure may magsasabi, “E paano kikita ang pelikula kung ibababa ang ticket prices?” Pero ang totoo kasi, kahit P800 per ticket pa yan, hindi pa rin kikita ang pelikula, kung walang afford manood.
May ilang naniniwala na kung totoong “pang-masa” ang pelikula, at maganda ang pagkagawa, marami ang manonood, kahit P400 ang ticket. Inisip ko rin ‘yun.
Pero, ang susunod na tanong…
QUESTION #2: ANO ANG IBIG SABIHIN NG PANG-MASA?
Madalas kasi ako nakakarinig sa mainstream production companies na naka-collaborate ng comment na, “Mataas. Hindi maiintindihan ni Aleng Bebang.”
Pero, sa totoo lang, hindi ko naman nakilala si Aleng Bebang at may ilan din akong tanong tungkol sa kaniya:
A. Paano natin nalaman na hindi maiintindihan ni Aleng Bebang ang “mataas?”
What if hindi naman pala ‘yung “taas” ng tema o paksa ng pelikula ang problema ni Aleng Bebang kung bakit hindi niya pinanonood ang ibang pelikula? May formal study ba o research, o kahit survey man lang, na sinagutan si Aleng Bebang para mabuo ang assumptions ng industriya tungkol sa preferences niya?
Isa pa, sigurado ba tayo na ayaw ni Aleng Bebang sa napanood niya dahil hindi niya ito “naabot” o naintindihan? Baka naman panget talaga ang pelikula at “fastidious” si Aleng Bebang kasi “sophisticated” ang “aesthetics” niya?
B. Dapat ba si Aleng Bebang lagi ang target audience ng pelikulang nangangarap maging blockbuster?
What if hindi kami pareho ng taste ni Aleng Bebang? Mag-quit na ba ‘ko, kasi wala akong pag-asang makagawa ng profitable film, kasi hindi ako type ni Aleng Bebang? Baka naman ang konseptong “Aleng Bebang” ay galing sa isang powerful executive na hindi naman “peer-reviewed” kasi bawal i-challenge ang assumptions ng film lords, kahit walang basehan?
Hindi ko alam, ha. Nagtatanong lang din ako.
C. Yung mga pelikulang si Aleng Bebang ang “target audience,” kumita ba?
Heto ang isa pang kontradiksyon. Madalas si Aleng Bebang na ang “target audience” ng maraming pelikula. Kung totoong interesado si Aleng Bebang sa mga pelikula n’yo, bakit hindi pa rin siya nanood? Baka naman, tulad ko, hindi rin masyado afford ni Aleng Bebang ang P400 na ticket. Gawa tayo nang gawa ng pelikula para kay Bebang, wala rin naman siyang pambili ng ticket.
Kasi sa totoo lang, next question…
QUESTION #3: WHO CAN AFFORD P400 TO SEE A MOVIE?
Kung P400 ang pelikula sa mall, konti na lang, puwede na ‘kong manood ng theatre. Ang ticket sa VLF P600. Pero ang materyal, hindi si Aleng Bebang ang basehan ng production. Bawat dula ay napili based on merit and not on whether or not “mage-gets ng most number of people.”
So, ‘pag nagsusulat ako for theatre, isa lang ang mentality. Gawa ka ng best work na kaya mo and see what happens.
Sa pelikula, ano ba dapat ang mentality ko? Madalas kasi– unamin kayo, writers– you are put in the position na, “Sunod ka lang sa gusto ng nagbabayad sa ‘yo.”
So, paano nga ba?
By the way, I don’t mean to offend anyone. Wala naman akong pinariringgan o pinatatamaan. Sinulat ko lang ‘to para mag-imbita rin sa ibang pag-isipan ito; tipong brainstorming, gano’n.
Pero, last na, magpakatotoo tayo. Aminin natin na minsan– o madalas ba?– ginagamit ang mga phrases na “pangmasa,” o “mababa,” o “abot ni Aleng Bebang” as euphemisms for “pangbobo.” It comes with the elitist assumption na hindi “mabenta” ang matalinong pelikula kasi bobo ang average Filipino audience at wala silang capacity maka-appreciate ng sopistikadong obra.
Sa opinyon ko, may mas simpleng paliwanag: MAHAL MANOOD NG SINE.
Whether “pang-matalino” o hindi ang pelikula, mapapanood ‘yan kung afford ng tao manood.
At ‘yan naman ang punto ng sining para sa kultura ‘di ba? ‘Yung mga dula ni Shakespeare, hindi naman ginawa para sa “mayayaman.” Pinanonood din ‘yan ng lower middle class nu’ng panahon niya. Si Shakespeare– na pinag-aaralan sa mga kolehiyo– ang entertainment ng masa nila. At dahil madalas silang nakakapanood ng magagandang obra, tumataas ang expectations nila para sa ibang napapanood nila.
Kung gusto natin ng magandang industriya, kailangang siguraduhin natin na mas maraming may access sa pinakamataas na uri ng sining na meron tayo, kung ano man ‘yun.
Opinyon ko lang ‘to, pero tayong mga gumagawa at nagebebenta ng sining ang may problema kasi nagpapababaan tayo ng materyal sa paghahanap ng puwede nating ibenta sa pinakamataas na presyo, para magkaroon ng pinakamalaking kita.
Ang dapat sanang ginagawa natin e pataasin ang sining at kalidad ng materyal habang naghahanap ng paraan na maibenta ‘to sa pinakamababang presyo nang mapanood ng nakararami.
Presyo ng sinehan ang ibaba natin, hindi ang materyal ng mga pelikula natin.
Dustin Celestino is a filmmaker, playwright, and educator. His film “Ang Duyan ng Magiting” won two awards at the 2023 Cinemalaya Film Festival. He has received five Palanca awards for his plays and four DLSU Certificates of Excellence for his works in fiction. He has participated in the CCP’s Virgin Labfest from 2018 to 2024 and is an alumnus of several prestigious workshops. He teaches screenwriting at De La Salle – College of Saint Benilde.

