Taks Barbin

Taks Barbin (he/him)

Contributor

Si Taks Barbin ay isang manunulat, perkusyonista, nag-aasam na anarkista, at boluntaryo para sa mga organisasyong panlipunan at pangkalikasan. Nagtapos siya sa kursong Malikhaing Pagsulat sa
Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, at kasalukuyang kumukuha ng masteral sa Araling Asyano na may tuon sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Patuloy siyang tumutugtog bilang kasapi
ng UP Kontemporaryong Gamelan Pilipino (Kontragapi), at nagboboluntaryo para sa 350 Pilipinas. Siya ang nagtatag ng Safehouse Infoshop na nagpapalaganap ng mga lathalaing anarkista, at Teach Me Tagalog na isang pribadong sentro para sa pagtuturo ng wikang Filipino. Siya ang tumatayong Copywriter para sa Understory sa ilalim ng Ideas X Machina Adverstising Inc.